-- Advertisements --
Davao PNP

Nakatakdang magpatupad ng hightened alert sa buong bansa ang Philippine National Police sa pagpasok ng buwan ng Disyembre.

Ayon kay Philippine National Police Spokesperson PCol. Jean Fajardo, ito ay bilang bahagi ng ginagawang paghahanda ng pulisya para sa nalalapit na holiday season kung kailan inaasahang magkakaroon ng pagtaas sa bilang ng mga insidente ng pagnanakaw at iba pang krimen.

Ngunit nilinaw niya na maaari rin na mas maagang magpatupad nito ang mga regional directors mula sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas depende sa kasalukuyang sitwasyon sa kani-kaniang mga lugar.

Dagdag pa ni Fajardo, sa darating na December 15 ay nakatakda namang magpatupad ng full alert ang pambansang pulisya na magtatagal naman hanggang January 18, 2023.

Kaugnay nito ay pansamantala munang kakanselahin ang lahat ng leave ng mga pulis simula December 15 hanggang January 10 bilang pagsunod naman aniya sa iniatas ni PNP Chief PGen. Rodolfo Azurin Jr. na tiyakin ang maximum deployment ng pulisya upang masiguro naman ang pagpapatupad ng mahigput na seguridad sa panahon ng Kapaskuhan.

Aniya, maging ang mga pulis na naka-assign sa mga administrative duties ay ire-require na magpatrol partikular na sa mga lugar na karaniwang pinupuntahan ng mga tao.

Samantala, bukod dito ay iniulat din ni Col. Fajardo na sa ngayon ay nagpatupad na rin ang PNP ng soft deployment sa mga areas of convergence upang masiguro naman na hindi sila malulusutan ng mga mapagsamantalang loob na binabalak na magsagawa ng masasamang gawain.