CENTRAL MINDANAO – Marami ang gumaling sa Coronavirus Disease (Covid-19) sa loob ng isang araw sa probinsya ng Cotabato.

Sa datos ng Department of Health (DOH-12) nasq 48 pasyente ang gumaling sa bayan ng Midsayap, Cotabato.

Kaya naman, umakyat na sa 326 ang total recoveries sa bayan.

Dagdag pa sa good news na ito ang walang naitalang bagong nagpositibo o namatay dahil sa COVID-19 sa bayan.

Kaya naman, batay sa huling datos ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit o PESU-Cotabato, nananatili sa 440 ang bilang ng mga nahawaan ng COVID sa Midsayap at nananatili rin sa 21 ang bilang ng mga namatay.

Bumaba naman ang mga aktibong kaso nito sa bayan na nasa 93.