-- Advertisements --

us

Aabot sa 14 gramo na high grade shabu na mula pa sa United States ang nasabat ng pinagsanib na tropa ng PDEA at Bureau of Customs Anti-illegal Drug Unit Port of Clark sa Pampanga mula sa isang drug suspek.


Ang nasabing operasyon ay ikinasa sa pamamagitan ng controlled delivery bandang alas-4:15 ng hapon kahapon sa may bahagi ng Bureau of Plant Industry, Brgy. Vasra, Visayas Avenue, Quezon City.

Batay sa report ng PDEA region 3 kay PDEA Director General Wilkins Villanueva na matagal nilang minamanmanan ang aktibidad ng suspek at kahapon nakorner ng mga otoridad.

Kinilala ni Villanueva ang naarestong drug suspek na si Eric Ambrosio Roperos, 47-anyos, residente ng 43 BPI Nursery Compound, Brgy. Vasra, Visayas Ave., Quezon City.

Nakumpiska sa posisyon ng drug suspek ang isang unit na USPS box na naglalaman ng walong pirasong Expo Marker Pens;
isang pack na Dart Fligh, 1 pack magazine na Pop Boys na naglalaman ng apat na self-sealing plastic sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 14grams na tinatayang nagkakahalaga ng P90,000.00 pesos at isang self-sealing plastic na may label na “black label brand” ng pinaghihinalaang Liquid Marijuana at isang cellphone.

Kasalukuyang nakakulong na sa jail facility ng PDEA ang suspek sa San Fernando City,Pampanga habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.