May isang torneo pang pinaghahandaan si Pinay Olympic weightlifter Hidilyn Diaz-Naranjo bago ang tuluyang pagsabak sa Paris Olympics.
Labis na ang kaniyang ginagawang ensayo para sa International Weightlifting Federation (IWF) World Cup na gaganapin mula Abril 2 hanggang 11 sa Phuket, Thailand.
Ito aniya ang kaniyang huling torneo bago ang final Olympic rankings ay mailabas kung saan maituturing na kumpulsary event ito.
Ang top-10 na manlalaro ay tiyak na ang pagsabak sa Paris Olympics.
Bagamat nasa pang-pito ang puwesto niya ay matindi pa rin ang ensayo niya para sa nasabing torneo sa Thailand para hindi ito malaglag.
Ang 32-anyos na Zamboanga City weightlifter ay nagwagi ng silver medal sa 2016 Rio de-Janeiro Olympics bago ang kauna-unahang gold medal nito noong 2021 Olympics.