-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Dead on the spot ang isang helper matapos na bumangga ang isang delivery van sa likuran ng nakaparadang trailer truck sa Barangay San Fernando Alicia, Isabela.

Ang nasawi ay si Reymart Labog, habang nasugatan ang tsuper ng van na si Demetrio Hernandez.

Ang binanggang nakaparadang trailer truck ay minamaneho ni Jhomar Pablo, 24 anyos, may asawa, at residente ng Barangay San Fernando Alicia, Isabela.

Nagtamo ng malubhang sugat sa katawan si Labog na sanhi ng kanyang agarang kamatayan matapos na bumangga sa likurang bahagi ng naka paradang trailer truck ang sinasakyan nitong van na minamaneho ni Hernandez.

Dinala na isang punerarya ang labi ni Labog habang agad namang dinala sa pagamutan si Hernandez para sa malapatan ng lunas ang mga tinamong sugat sa katawan.