Hindi umano nabigyan ng sertipikasyon na makalipad sa “poor visibility” ang helicopter company na bumagsak na sinakyan ng basketball star Kobe Bryant kasama ang anak nito at pitong iba pa.
Ito ang ibinunyag ni Kurt Deetz isang piloto at dating safety manager ng Island Express Helicopters, may-ari ng Sikorsky S-76B ang kompanya na sinakyan ng NBA star.
Sinabi nito na nabigyan lamang ito ng seritpikasyon na mag-operate under visual flight rules na ang ibig sabihin ay dapat malinaw na makita ng piloto ang labas ng helicopter sa araw.
Dagdag pa nito na ang piloto na si Ara Zobayan ay lisensyado ng instrument flying pero maaaring mayroong kaunti o limitadong kaalaman.
Lumalabas na iniulat ng piloto na sapat ang visibility para sa visual flight subalit lumala lamang ito o naging masama ang panahon habang nagpapatuloy ang flight.
Kasunod din nito sinuspendi na rin ng Island Express Helicopters ang kanilang mga serbisyo matapos ang insidente.