-- Advertisements --

Patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad sa Japan ang military helicopter na naiulat na nawawala malapit sa Miyakojima.

Ang UH60 troop transport o kilala bilang Black Hawk ay may kargang 10 katao.

Nawalan agad ng komunikasyon ang mga otoridad pakalipad nito sa round Self Defense Force (GSDF) sa Miyakojima.

Tiniyak naman ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida na kanilang ipapakalat ang mga rescuers para agad na mahanap ang nawawalang helicopter.