-- Advertisements --

Nakaganti na rin ang Miami Heat sa Milwaukee Bucks, 118-99.

Una nang tinambakan kahapon ng mahigit sa 50 puntos ang Heat at inilampaso sa record breaking na 29 three point shots.

Pero sa pagkakataong ito hindi na umubra ang bangis ng Bucks.

Bam Adebayo

Binigo rin ng Miami ang triple-double performance ng two-time MVP na si Giannis Antetokounmpo na kumamada ng 26 points, 13 rebounds at 10 assists.

Sa kampo ng Heat, halos triple double din ang ipinakitang game ni Bam Adebayo na nagposte ng 22 points, 8 rebounds at 10 assists.

Tumulong din mula sa opensa ng Miami sina Goran Dragic na nagbuslo ng 26 mula sa bench at si Tyler Herro na nagpakita ng 21 points at meron ding career-best na 15 rebounds.

Ito ay sa kanila na hindi pa rin naglaro sa ikalawang sunod na game si Jimmy Butler bunsod ng sprained right ankle.