-- Advertisements --

na head coach ng USA men’s basketball taem si Filipino-American at Miami Heat coach Erik Spoelstra.

Papalitan niya si Steve Kerr para sa 2027 World Cup at 2028 Summer Olympics.

Kasama na ang 54-anyos na si Spoelstra bilang assistant coach ni Kerr kung saan nagwagi ang USA ng gold medal sa 2024 Paris Olympics ng talunin nila ang France sa score na 98-87.

Ito na rin ang kanilang pag-limang magkakasunod na gintong medalya sa Olympics.

Ang two-time na NBA champion na tinatawag bilang coach “Spo” ay respetadong tactician sa NBA na siyang nagdala sa Heat ng anim na NBA Finals appearance.

Noong nakaraang taon ay pumirma ito ng walong taon na $120- milyon contract extension sa Heat.