LEGAZPI CITY – Pinangunahan ni Heart Evangelista ang orientation para sa mga kapwa artists na sasali sa 2020 Capitol Art Contest sa Sorsogon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Bobby Gigantone, ang Provincial Tourism Head NG Sorsogon, labis ang pasasalamat ni Heart dahil umabot sa 45 kalahok ang nagkumpirma na sasali sa nasabing kompetisyon.

Layunin ng naturang art contest na lalo pang mapaganda ang kapitolyo ng lalawigan sa pamamagitan ng pagbahagi ng talento ng mga local artists.

Ayon kay Gigantone, hindi hadlang ang nararanasang pandemya na dulot ng coronavirus para matigil ang pagbabahagi at pagpapakita ng mga talento sa pagpipinta.

Ang konsepto aniya ng patimpalak ay kahit anong anggulo at interpretasyon na pwedeng ipinta sa Capitol Park.

Sa pamamagitan din aniya ng pagpipinta, maipapakita at maipapadama ng mga local artists ang pagmamahala sa Sorsogon