Ngayon pa lamang ay tinitiyak na ni Heart Evangelista na magiging “fashionista” pa rin kapag nasa “new normal” lifestyle na bunsod ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Katunayan ay madalas na ang pagpo-post nito ng kanyang daily outfit kung saan katerno na ang face mask at face shield.

Ayon sa 35-year-old actress-socialite, sinasanay na niya ang sarili kung saan magiging bahagi na ng ating buhay ang pagsusuot lalo na ng face mask.

Kasabay nito ay inamin ng misis ni Sen. “Chiz” Escudero na dumaranas siya ng anxiety o pagkabalisa pero nilalabanan niya ito sa pamamagitan ng paglibang sa sarili kaya pinagkakaabalahan ang pag-iistilo sa “new normal outfits.”

https://www.instagram.com/p/CAedOHxnDNW/

Kung maaalala, noong unang bugso pa lamang ng COVID-19 sa bansa ay naging isyu ang umano’y pasosyal daw na mga face mask ni Heart dahil ilan sa mga design ay ribbon ng mga mamahaling boutique.

Pero nilinaw nito na kanyang sariling “stylish” design ang mga ito.