Ilang araw pagkatapos ng kanyang pagpanaw, inihayag ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na ang tagapagtatag ng Communist Party of the Philippines na si Jose Maria “Joma” Sison ay namatay dahil sa “heart failure.”
Isiniwalat ni Luis Jalandoni, isang miyembro ng pambansang konseho ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP), ang sanhi umano ng kamatayan ay heart failure, pagkatapos ng halos tatlong linggong paggamot at pamamalagi nito sa ospital.
Kaugnay niyan, hindi na nagbigay ng karagdagang detalye si Jalandoni sa pagkamatay ni Jose Maria “Joma” Sison .
Kung matatandaan, namatay si Sison sa isang ospital sa Utrecht noong Biyernes, Disyembre 16, alas-8:40 ng gabi, oras ng Pilipinas.
Una rito, ang pagkasawi ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chair Jose Maria “Joma” Sison ay mahigit isang linggo bago ang ika-54 na anibersaryo ng pagkakatatag ng CPP noong December 26.