-- Advertisements --

Inamin ni Heart Evangelista na kinakabahan siya sa kanyang “bagong mundo” bilang bagong presidente ng Senate Spouses Foundation Inc.(SSFI).

Bagama’t aminado si Heart sa kanyang bagong trabaho, handa naman daw ang kanyang asawa na si Senate President Francis “Chiz” Escudero na tumulong sa kanyang tungkulin sa kanilang organisasyon.

Nitong umaga lamang ay nanumpa bilang bagong pangulo ng Senate Spouses Foundation Inc. kasunod ng otomatikong pagtanggal kay Audrey Zubiri bilang SSFI head nang mapatalsik bilang liderato ng Senado noong Mayo 20 ang kanyang asawang si Senador Juan Miguel Zubiri.

Sinabi ni Evangelista na humingi siya ng payo kay Escudero kung paano gagampanan ang kanyang mga tungkulin.

Aniya, medyo OC o obsessive-compulsive siya pagdating sa mga detalye.