-- Advertisements --

Muling naantala ang pagdinig ng Sandiganbayan sa mga kasong graft nina dating Senate Pres. Juan Ponce Enrile at Janet Lim Napoles kaugnay ng tinaguriang pork barrel scam.

Hindi nakadalo si Napoles sa hearing ngayong araw ng 3rd Division kung saan natakdang ilatag ng prosekusyon ang mga ebidensya.

Hindi pa rin umano nakakapirma ng pre-trial order ang convicted plunderer.

Dahil dito apektado ang pagdinig sa kaso ni Enrile kahit una na itong lumagda sa nasabing dokumento.

Noong January 31 sana ang deadline sa signing ng pre-trial order na naglalaman sa mga marked evidences na gagamitin sa pagdinig.

Hindi makakausad ang court hearing hangga’t hindi ito napipirmahan.

Pinatawag na ng korte si Napoles para humarap sa February 12 hearing.

Nahaharap sa graft case si Enrile dahil sa sinasabing kickbak nito na nagkakahalaga ng P172-milyon mula sa Priority Development Assistance Fund (PDAF).