Nasa high risk na ang healthcare capacity sa Cordillera Administrative Region (CAR) dahil sa patuloy na pagtaas nang bilang ng COVID-19 vases sa lugar, ayon kay Health Usec. Leopoldo Vega.
Sa isang panayam, sinabi ni Vega na karamihan sa mga kaso, kahit iyong nakakaranas ng mild symptoms at asymptomatic, ay naka-admit sa mga ospital bunsod nang kakulangan nang available na isolation facilities.
Sa ngayon, tumatama na aniya sa 70% o mas mahigit pa ang healthcare utilization sa CAR.
Sinabi ni Vega na nakikipag-ugnayan na ang Department of Health (DOH) sa local government units sa pagtukoy at pagtatag ng isolation facilities para mabawasan ang bilang ng mga pasyente sa mga ospital.
Nabatid na simula bukas, Pebrero 1, isasailalim ang CAR sa general community quarantine.
Mas strikto na ang border control sa pagitan ng Benguet at Mountain province sa kasagsagan ng GCQ status.