Nanawagan ang Department of Health (DOH) sa mga kwalipikadong health care workers at senior citizens na i-update ang kanilang vaccination status laban sa COVID-19.
Ito ay habang ang bansa ay nakatakdang ilunsad ang bivalent jabs sa Miyerkules sa Quezon City.
Hinimok ni Health Secretary Ted Herbosa ang mga miyembro ng health care workers at senior citizens na tumanggap ng kanilang bivalent vaccine sa lalong madaling panahon.
Ang pormal na seremonya para ilunsad ang bivalent COVID-19 vaccination ay sa Hunyo 21 sa Philippine Heart Center sa Quezon City, kung saan dadalo si Pangulong Marcos.
Kung maaalala, nakatanggap ang bansa ng mahigit 390,000 na donasyong bakuna mula sa gobyerno ng Lithuanian noong Hunyo 3.
Sinabi ng DOH na ang bivalent vaccines ay dapat gamitin bilang ikatlong booster shot ng mga healthcare workes at senior citizen pagkatapos ng hindi bababa sa apat hanggang anim na buwan mula sa kanilang pangalawang booster shot.