Inaresto ng mga kapulisan sa Zimbabwe ang kanilang Health Minister dahil sa kuwestiyonableng pagbili nito ng $60 milyon halaga ng mga medical equipment.

Si Obadiah Moyo ay naaresto matapos ang isang linggo ng arestuhin din si Delish Nguwaya ang representative ng pharmaceutical firm na Drax International isa sa supplier sa gobyerno.

Mismong si President Emmerson Mnagagwa ang pumalit kay Robert Mugabe matapos ang 2017 military coup ang nagkansela sa deals.

Hindi pa nagbibigay ng anumang detalye ang gobyerno ng Zimbabwe sa pagkakaaresto sa kanilang health minister.