-- Advertisements --

Inanunsyo ng Zimbabwe na magkakatay sila ng humigit-kumulang 50 elepante bilang bahagi ng kanilang hakbang na makontrol ang lumalaking bilang ng populasyon ng mga elepante.

Ayon sa Zimbabwe Parks and Wildlife Management Authority (ZimParks), ang karne mula sa mga papatayin na elepante ay ipapamahagi sa mga lokal na komunidad, habang ang ivory tusk nito ay mananatiling pag-aari ng gobyerno.

Ang pagkatay ay isasagawa sa Save Valley Conservancy, isang malaking pribadong game reserve sa timog-silangan ng bansa, kung saan may naitalang 2,550 elepante na nabubuhay ayon sa 2024 aerial survey —malayo sa tinatayang 800 na bilang ng ecological carrying capacity nito.

Bagama’t nakapaglipat na ng 200 elepante ang conservancy sa ibang sinabi ng mga opisyal na wala nang sapat na tirahan na malapit at walang ibang elepante. Kaya’t napilitan silang magsagawa ng “elephant management exercise.”

Paliwanag ng ilang opisyal ng conservancy sa nakalipas na limang taon ay nakapaglipat sila ng 200 na elepante sa ibang lugar na humantong sa pagkaubos ng ilang mga lugar na wala pang elepante kaya’t napilitan daw sila na magsagawa ng “elephant management exercise.”

Iginiit ng ZimParks na ito ay hindi “culling,” dahil hindi ito naglalayong ubusin ang buong lahi ng elepante. Sinabi pa nito limitado lamang sa humigit-kumulang 50 elepante ang kanilang kakatayin habang sinusuri pa ang mga epekto, gastos, at proseso ng kanilang proyekto.