-- Advertisements --

Pinatitiyak ni Sen. Bong Go sa mga eksperto ang kaligtasan at efficacy o pagiging epektibo ng mga bakuna ng laban sa COVID-19 para maalis ang takot at maitaas ang public confidence sa National COVID-19 Vaccine Roadmap.

Kasabay nito, hinikayat ni Sen. Go ang mga eksperto gaya ng mga nasa Food and Drug Administration (FDA) na magbigay ng malinaw na paliwanag sa publiko sa mga hakbang at precautions na ginagawa para matiyak ang proteksyon sa buhay kapag nasimulan na ang vaccine roll-out.

Ayon kay Sen. Go, hindi dapat pabayaan ang taongbayang hindi alam saan kukuha ng bakuna o hindi pa alam kung ano at para saan ang bakuna.

Nanawagan din sa publiko ang senador na magtiwala sa mga health experts at umasa sa mapagkakatiwalaang source ng impormasyon kaugnay sa bakuna at gaano ito kahalaga sa pagbangon mula sa pandemya.

“Ipaliwanag po dapat ang mga plano at desisyon ng maayos para tumaas lalo ang tiwala ng taumbayan at hindi matakot sa bakuna. Huwag natin pabayaan ang mga kababayan nating hindi alam saan kukuha ng bakuna o hindi pa nga alam kung ano at para saan ang bakunang ito,” ani Sen. Go.