-- Advertisements --

Isang panalo na lamang ang kailangan ng Atlanta Hawks para makapasok sa Eastern Conference semifinals matapos ilampaso ang New York Knicks 113-96.

Bumida sa panalo ng Hawks si Trae Young na nagtala ng 27 points at siyam na assists para makuha ng Hawks ang 3-1 na benta sa best of seven first round playoffs.

Nag-ambag naman ng 22 points at walong rebounds si John Collins.

Unang hawak ng Knicks ang kalamangan 26-25 sa pagtatapos ng first quarter hanggang nabaligtad ng Hawks ang lamang 53-49 sa halftime.

Tiwala ang Hawks fans na tuluyang makakapasok sila sa semis dahil babalik sa kanilang homecourt ang game 5.