Naniniwala ang ina ni Pia Wurtzbach na dumaranas lamang ng tinatawag na pospartum depression ang bunsong anak nito na si Sarah.
Unang pahayag ito ni Cheryl Alonzo Tyndall sa gitna ng patuloy na alegasyon ng 28-anyos na kapatid ng 2015 Miss Universe, na umano’y ibinugaw siya ng sariling ina noong bata pa at hindi kailanman nag-sorry.
Ayon kay Cheryl, walang ina ang maglalagay sa anak sa kapahamakan at umaasahang mahal pa rin siya nito.
Nitong huling araw ng Oktubre, idinaan ni Cheryl at bagong asawang si Nigel ang mga sagot matapos ang nasa dalawang linggong pananahimik.
Lumalabas na tila nagrebelde si Sarah na lingid sa kaalaman ng ginang hanggang sa sila ay mamuhay sa United Kingdom.
Narito ang ilan sa mga pahayag ng mag-asawang Tyndall a pamamagitan ng vlog (video blog) na “SAGOT NAMIN SA MGA AKUSASYON!!!”
“It took a lot of times to think back over years of all the wrongs and bad things that (were) done to us, and Cheryl, after we helped her.”
“Huwag niyo po akong husgahan kasi talaga pong inalagaan ko iyong aking mga anak.”
“I love my daughters. I don’t believe that she hates me so much. I know she loves me. I still believe that.”
“I always think maybe it’s postpartum. I just want to believe that it’s just postpartum, harder than normal or worse than normal.”
Nabatid na sa viewers lang din daw ng vlog nila nalaman ang mga post ni Sarah dahil “blocked” sila sa social media nito.
Una rito, sa “IG stories Q&A” ni Sarah noong October 30 ay nagpatuloy ang mga panibagong birada nito laban sa ina.
Narito ang ilan sa mga kasagutan ng nakababatang Wurtzbach:
“She solicited me when I was younger in exchange for money, then I got gang raped and then raped again for the second time, and she told me, I deserved it. Next.”
“Nope (hindi pa napatawad). She hasn’t approached me for six months since she told me I deserved it. Siya pa yung lumayo LOL.
“FYI, she lives like 10 min drive away from me and has the keys to my house.”
Isinapubliko rin ni Sarah ng isang screenshot ng e-mail daw sa kanya ng ina noong May 13, 2020:
Sina Pia at Sarah Wurtzbach ay anak ni Cheryl sa kanyang unang asawa na isang German na sumakabilang buhay noong 2014.
Una nang nagkaayos ang magkapatid sa pribadong paraan kung saan unang idinawit ni Sarah sa kanyang “hate posts” ang 31-year-old Cagayan de Oro beauty.
Sa tinaguriang “weekend war” noong Oktubre 17, naungkat ang isyu sa pera at maging ang kasintahan ng pangatlong Pinay Miss Universe.
Ang postpartum depression ay karaniwang dinaranas ng mga ina pagkatapos manganak.