Nasa mabuti na umanong kalagayan ang Hollywood film producer na si Harvey Weinstein matapos itong maospital kasunod ng pagbaba ng hatol ng New York State Supreme Court.
Nabatid na napatunayang “guilty” ang ngayo’y 67-year-old mogul at hinatulang makulong sa loob ng 23 taon dahil sa kasong criminal sexual act in the first degree at kasong rape sa third degree.
Lusot naman ito sa dalawa pang kaso- ang predatory sexual assault na may katumbas sanang maximum life sentence.
Ayon sa spokesman nitong si Juda Englemayer, dumanas ng “mild heart attack” si Harvey matapos ang court appearance nito at umano’y tumaas ang blood pressure.
Inilarawan naman ng isa sa mga abogado nitong si Arthur Aidala, na “in good spirits” ang kanyang kliyente habang nasa Bellevue Hospital.
“When I read the verdict I didn’t look at him, because I was sitting there saying, ‘OK, I’m about to change this man’s life,’ and I didn’t want to see any reaction,” kuwento ni Bernard Cody na siyang foreman ng jury.
Samantala, plano umano ng kampo ni Weinstein na iapela ang desisyon ng korte.
Kung maaalala, nasa 80 babae ang nag-aksusa kay Weinstein kabilang na ang akres na sina Jesicca Mann, Gwyneth Paltrow, Uma Thurman at Salma Hayek. (BBC)