Gumaling na si Harry Potter author J.K. Rowling matapos na ito ay dapuan ng coronavirus sa loob ng dalawang linggo.

Sa kaniyang Twitter account, kinumpirma nito na gumaling na ito.

Ipinakita din nito ang breathing technique na tumulong sa kaniya para malampasan ang sintomas.

Nakilala ang 54-anyos na author sa inilabas nitong “Harry Potter” book series na isinapelikula.