James Harden/ Photo courtesy of NBA

Nagpamalas ng matinding depensa ang Houston Rockets upang kanilang maitala ang 112-85 pagtambak sa Denver Nuggets.

Kumubra ng 38 points si James Harden upang bumida sa Rockets, na ginamit ang second quarter upang matambakan at magapi ang dumayong Denver.

Bagama’t nabaon sa hanggang pitong puntos ang Houston sa first quarter, gumawa naman sila ng 62-44 abanse sa halftime, tampok ang 40-point second quarter.

Nagsilbi namang top scorer ng Nuggets si Jamal Murray na kumamada ng 20 points.

Inalat din ang Denver sa 3-point arc kung saan mayroon lamang silang apat mula sa 24 pagtatangka.