-- Advertisements --


Dinala ni NBA superstar James Harden ang Brooklyn Nets gamit ang triple double performance upang tambakan ang Oklahoma City Thunder, 147-125.

Kahit wala ang isa sa big three na si Kevin Durant, baliwala ito nang magpakita si Harden ng 25 points, 10 rebounds at 11 assists.

Maging si Kyrie Irving ay nagposte rin ng 25 points upang itala ng koponan ang franchise record na pinakamalaking team score gayundin ang ika-13 panalo.

Si Durant ay pinagpahinga muna upang hindi bumalik ang kanyang  Achilles injury.

Aminado naman si Harden na unti-unti na nilang nabubuo ng maayos ang kanilang opensa kahit bago lang siya sa team.

Sa panig ng Thunder nagpakitang gilas ang 19-anyos na rookie na si Theo Maledon na nagtapos sa 24 points at perfect six sa three points area.

Si Shai Gilgeous-Alexander ay nag-ambag din ng 24 points sa bigong kampanya ng Oklahoma City.

Ang next game ng Thunder ay host sila sa Houston Rockets sa Martes.

Ang Nets naman ay bibisita sa Wizards.