May kaniya-kaniyang prediksyon ngayon ang mga basketball experts sa pagsisimula ng Game 1 ng NBA Finals sa pagitan ng Oklahoma City Thunder at Indiana Pacers.
Itinturing kasi nila na ang laro ay sa pagitan ng David at Goliath dahil sa nanguna Thunder sa regular season ng Western Conference.
Habang ang Pacers ay naging malaking hamon para mangibabaw sa Eastern Conference Finals.
Bukod sa home court advantage ay tiyak na may malaking papel ang ipapairal ng kanilang Most Valuable Player na si Shai Gilgeous-Alexander.
Handa naman itapat ng Pacers ang dalawa nilang star players na sina Tyrese Haliburton at Pascal Siakam.
Mayroon ding magandang kuwento ang dalawang guards ng koponan kung saan mula ng maitrade sila sa kanilang mga orihinal na koponan ay doon sila gumaling.
Nanggaling ang 26-anyos na si Gilgeous-Alexander Los Angeles Clippers habang si Haliburton ay mula sa Sacramento Kings.
Itinuturing din ng NBA na isang elite defense team ang Thunder habang ang Pacers ay mayroong mga high-scoring offense na siyang magiging susi sa panalo nila.
Nakatuon din ngayon ang NBA sa head coach ng Pacers na si Rick Carlisle na siyang naging coach noon ng Dallas Mavericks ng talunin nila ang heavily-favored na Miami Heat noong 2011 NBA Finals.