iloilo1

ILOILO CITY – Dinagsa ng mahigit sa 6,000 mga manonood ang Handog ng Bombo Radyo at Star FM sa Dinagyang Festival 2020: Battle of the Bands kagabi.

Halos hindi mahulugan ng karayom ang plaza mayor ng Plazuela de Iloilo sa Benigno Aquino Avenue, Mandurriao, Iloilo City dahil sa mga nanood sa performance ng mga banda na nagpasiklaban sa Battle of the Bands mula sa buong Western Visayas.

Mula sa umpisa hanggang sa pinakahuling band performer, tumutok ang mga Ilonggo na nag-jamming sa nasabing aktibidad.

Kinilala naman bilang 2nd runner-up ang Nicene Creed na tumanggap ng P10,000; 1st runner-up ang QUEUE na tumanggap ng P20,000 habang champion naman ang Maria Cafra na tumanggap ng P40,000.

Dinala naman pauwi ng siyam na mga finalists consolation prize na P2,000.

Narito ang bahagi ng pagkanta ng Maria Cafra matapos tanghaling kampeon sa Bombo Radyo at Star FM sa Dinagyang 2020: Battle of the Bands.