-- Advertisements --

Tinanggap na ng Hamas ang ceasefire deal na isinulong ng Egypt at Qatar.

Kinumpirma ito ni Ismail Haniyeh ang namumuno ng political wing ng Hamas.

HIndi naman malinaw kung alin sa mga ceasefire deal pumayag ang Hamas kung yung binago ba o ang isinulong noong nakaraang linggo pa.

Patuloy din naman na inaaral ng Israel government ang naging tugon na ito ng Hamas.

Matapos na kumalat ang balita ay maraming mga Palestino sa Gaza ang nagdiwang.

Bahagi ng nasabing ceasefire ay ang pagpapakawala ng Hamas ng mga bihag ganun din ang pagbibigay daan ng Israel ng mga humanitarian aide.