-- Advertisements --
Natanggap na ng Hamas ang panibagong proposal sa pagpapalaya sa mga bihag nila.
Sinabi ni Ismail Haniyeh, ang namumuno sa political bureau ng grupo na ang proposal ay pinangasiwaan ng mga bansang Egypt, Qatar, Israel at US.
Nakasaad sa proposal ang pagpapalaya sa mga bihag ganun din ang pagsasagawa ng ilang araw na putukan.
Naging malamig naman ang tugon dito ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu, kung saan hindi na sila papasok sa kasunduan hanggang hindi tuluyang mabura ang mga Hamas fighters.