-- Advertisements --
HAMAS

Naglabas ang grupong Hamas ng umano’y listahan ng pangalan ng mga namatay sa napapatuloy na pagganti at pambobomba ng Israel.

Ayon sa Hamas, mayroon nang 7,028 katao ang napatay sa Gaza Strip simula nang inumpisahan nito ang pambobomba, hanggang sa gumanti ang Israel na hanggang sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin.

Ang naturang listahan ay binubuo ng 6,747 na pangalan, kasama ang kanilang edad, gender, at maging ang identity card number ng bawat isa.

Sinabi pa ng grupo na kabuuang 281 na katao pa ang hindi nahahanap o unaccounted hanggang sa ngayon.

Katwiran ng naturang grupo, inilabas nila ang listahan ng mga pangalan dahil sa pagnanais na malaman ng publiko ang lawak ng ginawang pagpagpatay ng Israel sa mga Palistinians.

Tinawag din ng grupong Hamas bilang genocide o mass killing ang ginawa ng Israel.

Oktobre – 7 nang sinimulan ng Hamas ang pambobomba sa Gaza Strip.

Agad namang gumanti ang Israel at nagsagawa ng mga serye ng ground attack at airstike na nagpapatuloy pa rin hanggang sa ngayon.