-- Advertisements --
Iginiit ng Hamas na walang magaganap na negosasyon sa mga bihag hanggat tuluyan ng matigil ang giyera sa Gaza.
Sinabi ni senior Hamas spokesperson Osama Hamdan, na dapat sisihin ay ang Israel dahil sa loob ng dalawang araw ay nagsagawa sila ng 25 na pag-massacre sa Gaza.
Nanawagan din ito sa Israel na huwag ng ipilit na iligtas ang mga bihag na hawak nila dahil sa inilalagay lalo sa panganib ang buhay nila.
Magugunitang pinalikas ng Israel Defense Forces ang malakikng bahagi ng Gaza para hindi na sila maipit sa nasabing kaguluhan.