-- Advertisements --
Inihayag ng Hamas na papayag lamang silang magsagawa ng ceasefire kapag ang desisyon ay inilabas ng International Court of Justice.
Bukod pa dito ay handa rin nilang pakawalan ang lahat ng mga bihag kung tatalima rin ang Israel na pakawalan ang mga Palestinong nasa kustodiya nila.
Magugunitang maraming mga bansa na ang nanawagan ng tigil putukan dahil sa umabot na sa halos 26,000 ang nasawi sa Gaza mula ng paigtingin ng Israel Defense Forces ang kanilang operasyon laban sa Hamas doon.
Nagkaroon na rin ng ilang araw na tigil putukan sa pagitan ng Israel at Hamas para magbigay daan sa palitan ng mga bihag.