Nasa P6.97 million na halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga otoridad sa isang drug buy bust operation sa Tondo, Manila.

Naaresto ng Manila Police District (MPD) ang suspek na si Kevin Jason, 28, at residente ng Dagupan extension sa nasabing lugar.

Nasa mahigit isang kilo ng shabu ang nakumpiska sa naturang suspek.

Sa ngayon inihahanda na ng mga otoridad ang kaso laban sa drug suspect.