ZAMBOANGA CITY – Aabot sa P7 million ang halaga ng shabu na nasabat sa isang suspek sa Camanchili, Barangay Zone 3, Zamboanga City.

Kinilala ang suspek na si Alnajim Sarail, 29-anyos na residente ng Barangay Guiwan at tubong Siasi sa Sulu.

Sa impormasyon na ibinigay ng hepe ng Zamboanga Police Station 9 Police Major Ramon I. Bautista, nasa P6.8 million ang halaga ng kontrabando na nasa isang kilo ang timbang.

Ang suspek ay naaresto sa pamamagitan ng isinagawang buybust operation ng Zamboanga Police Station 9 at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 9.

Sa ngayon ay nakaditine na ang suspect na sasampahan ng kasong may kinalaman sa iligal na droga.