-- Advertisements --
PhilHealth

Nahaharap na naman ng bagong isyu ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) matapos ibunyag ng Commission on Audit (COA) ang umano’y iligal na pagpapalabas ng P291 million na halaga ng hazard pay sa kanilang mga empleyado.

Sa 2019 annual audit report ng COA, lumalabas na P236 million sa hazard pay ay napunta sa regular employees at P55 million naman para sa mga casual employees.

Ang naturang pondo ay ipinamahagi noong 2016 hanggang 2019 kahit nilalabag nito ang Republic Act 7305 o ang Magna Carta for Public Health Workers (PHW) at iba pang rules and regulations.

Ipinaliwanag ng COA na ang pagpasa sa Universal Health Care law ay nakasaad na ang PhilHealth employees bilang health workers, pero ang kanilang entitlement para sa benefits at allowances kabilang na ang hazard pay na nasa ilalim ng magna carta ay hindi absolute dahil subject pa rin ang naturang batas sa provisions at regulations.

Partikular na inilatag ng state auditors ang Section 21 ng Magna Carta for PHW patungkol sa public health workers na karapat-dapat na tumanggap ng hazard pay kapag ang kanilang trabaho ay high risk/low risk hazards mg 50 percent sa kanilang working hours na kinikilala at aprubado ng Department of Health (DoH) secretaty o mga otorisadong mga representatives.