
Iniulat ng National Task Force – Mindoro oil spill sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na aabot na sa halos Php280 million na ang halaga ng tulong na naipamahagi na sa mga residenteng apektado ng oil spill.
Ito ay sa gitna ng patuloy na pagkilos ng buong gobyerno para tiyakin na mapapalakas pa ang response at recovery programs sa mga apektadong lugar.
Ayon sa naturang task force, ito ay matapos na umabot sa P279.7 million ang kabuuang halaga ng tulong na naipaabot na ng ng pamahalaan, Local Government Units, Non-Government Organizations, at stakeholders.
Kaugnay nito ay nasa Php262.3 million dito ay mula sa mga family food packs, non-food items, Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), Emergency Cash Transfer, at Cash for Work profrans, ang naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development.
Habang sa bukod pang ulat ay sinasabing umabot na rin sa 38,871 ang bilang ng mga pamilya mula sa MIMAROPA, Western Visayas, at Calabarzon ang apektado ng oil spill.