DAVAO CITY – Nasa kustodiya na ngayon ng Bureau of Customs (BoC)-Port of Davao ang dalawang crew ng motorized banca para sa karagdagang imbestigasyon matapos marekober ang P1.9 milyon na halaga ng mga smuggled na sigarilyo sa sub-port ng Dadiangas sa Sarangani, Davao Occidental.
Kaisa sa nasabing operasyon ang mga tauhan ng Naval Forces Eastern Mindanao.
Nasa 40 na karton ng Indonesian made na Gudang Baru ang nakumpiska.
Isinakay umano ito sa motorized banca para ipuslit sa pamamagitan ng karagatan na sakop ng Glan, Saranggani Bay.
Bago isinagawa ang operasyon, may inilabas na Warrant of Seizure and Detention sa mga nagpapalusot ng mga smuggled items.
Sa kasalukuyan, hinahanda na rin ngayon ang kasong paglabag sa Section 1113 ng Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Magpapatuloy pa ang BoC sa paghabol sa mga indibidwal na planong magpalusot ng mga iligal na kontrabando.c