KALIBO, Aklan – Inanunsyo ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC)-Aklan na umabot sa P17,731,920 ang pinsala na dulot ng bagyong Odette sa agrikultura at imprastraktura sa buong lalawigan ng Aklan.
Ito ay batay sa ipinalabas na initial damage assessment report.
Ang pinsala sa agrikultura ay umabot sa P1,348,320 habang sa imprastraktura naman ay nasa P16,383,600 lalo na sa bayan ng New Washington matapos masira ang bahagi ng kanilang sea wall.
Sa kabilang daku, ayon pa sa PDRRMC nakapagtala ng nasa 12,671 na pamilya o katumbas ng 49,400 na katao ang lumikas sa kani-kanilang evacuation centers habang ang iba ay sa katabing bahay o bahay ng kaanak.
Pitong kabahayan naman ang partially destroyed ng bagyo kung saan wala namang napaulat na tuluyang nasira.
Kaugnay nito, nagpasamalat si PDRRMC head Galo Ibardolasa sa kooperasyon ng mga mamamayan at kaukulang ahensiya ng pamahalaan sa maagang paghahanda.