CAGAYAN DE ORO CITY – Sinunog ng Bureau of Customs (BoC)-Cagayan de Oro Port District ang mga ipinalusot na multi-million worth na mga sibuyas mula sa China sa pasilidad na nakabase sa Barangay Mantibugao,Manolo Fortich,Bukidnon.
Sinabi sa Bombo Radyo ni BoC-Cagayan de Oro spokesperson Angelo Andrade na alinsunod ito ng kautusan mula sa kanilang central office dahil bigong maidepensa ng consignee ang ligalidad ng kargamento na ipinuslit sa daungan ng Mindanao Containe Terminal ng Misamis Oriental nitong taon.
Inihayag ni Andrade na mismo si BoC-CdeO port collector Atty Elivera Cruz kasama ang ibang mga opsiyal ang nanguna pagsira ng halos P14 milyon na halaga ng mga sibuyas na pagmay-ari umano ng isang JDFallar Consumer Goods Trading sa Terra Cycliq Corporation ng Bukidnon para hindi na mapakinabangan pa.
Pagpapaliwanag rin nito na unang nagkunwari na dessert products ang cargo na dumaong sa pantalan subalit salungat sa intelligence report na nakaabot sa kanila dahil mga sibuyas pala ang kargamento.
Kaungnay nito,kinasuhan ang consignee nang paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act dahil sa kabiguan na maideklarang tama ang mga kargamento.