
Nasa P99.67 million halaga ng iligal na droga ang nasabat ng Philippine National Police (PNP) sa isang linggong anti-illegal drug operation na nag resulta sa pag-aresto sa nasa 51 drug personalities nationwide.
Ipinagmalaki ni PNP chief PGen. Archie Francisco Gamboa ang accomplishment ng mga police operatives.
Pinuri ang mga operatiba na kahit nasa General Community Quarantine (GCQ) ang halos lahat ng lugar sa bansa pwera na lamang ang Cebu City na isinailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) lalo pa nilang pinalakas ang kanilang kampanya laban sa iligal na droga.
Sinabi ni Gamboa dahil sa pinalakas at pinaigtng na anti-illegal drug operations, nasa 51 drug personalities ang nahuli sa 25 magkahiwalay na operasyon.
Binigyang-diin ni Gamboa na hindi nila ititigil ang kanilang opensiba para ma neutralized ang mga kriminal lalo na ang mga drug personalities.
Determinado ang PNP na puksain ang anumang banta na naglalagay sa peligro sa kaligtasan at seguridad ng publiko.
















