-- Advertisements --
Kinumpirma ngayon ng Liquified Petrolium Gas Marketters Association na may malakihang pagtaas sa presyo ng kada kilo ng Liquified Petrolium Gas pagpasok ng buwan ng Pebrero.
Ayon kay LPG Marketers Association President Arnel Ty ito’y dahil sa patuloy na pagtaas ng demand nito sa ibang bansa kaya inabisuhan ito ng kanilang mga supplier na magkaroon ng pagkaantala sa pagsu-supply nito sa ating bansa.
Inaasahang aabot sa P9.50 ang itataas sa kada kilo ng LPG.
Katumbas ito ng P104.50 sa kada 11 kilogram na standard LPG tank.
Dagdag pa ni TY, sa ngayon ay stable pa ang supply ngunit hindi lang nito masisiguro kung hanggang kailan muling magno-normalize ang pag-aangkat nito mula ibang bansa dahil sa pagtaas ng demand sa China.