BAUANG, La Union – Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa panloloob ng umano’y termite gang sa Summit Bank sa Barangay Central West sa Bauang, La Union.

Nabatid ng Bombo Radyo mula sa Bauang Police, nadiskobre ng mga empleyado na napasok ng magnanakaw ang bangko nang bukasan nila ito dakong alas-9:00 kaninang umaga.

Pinaniniwalaan na dumaan ang mga suspek sa kanal at gumawa ng lagusan sa ilalim ng lupa upang mapasok ang nabanggit na gusali.

Umaabot umano sa P912,000 na pera ang tinangay ng mga hindi pa kilalang magnanakaw.