-- Advertisements --
image 195

Nasa 45 percent na raw ng buong populasyon ng buong mundo ang tinamaan ng tinawatag na mouth disease.

Ayon sa World Health Organization (WHO) kabilang na rito ang nabubulok na ngipin, namamagang gums at oral cancers,

Base sa bagong report, isa sa mga rason ng isyu ang hindi pagkakapantay-pantay na na access sa oral health services.

Apektado raw dito ang karamihan sa mga nasa vulnerable at disadvantaged populations.

Dahil dito, iginiit ni World Health Organization Chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na ang maraming oral diseases ay puwedeng mapigilan at magamot gamit ang cost-effective measures.

Sa ngayon nasa 3.5 bilyong katao ang nakakaranas ng tooth decay, gum disease at iba pang oral illnesses.

Kabilang sa naturang problema ang 194 na bansa na may global cases at lumobo sa isang bilyon ang kaso sa loob ng 30 taon.

Lumalabas din sa report na nasa 380,000 na bagong kaso ng oral cancers ang nada-diagnose kada taon.