ayuda 2
-- Advertisements --

Malapit nang maipamahagi ang lahat ng ayuda na inilaan para sa mga low-income families sa Metro Manila na apektado ng enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, 97.92 percent na ng ayuda ang naipamahagi sa mga target beneficiaries.

Ibig sabihin, kabuuang 11,022,633 beneficiaries na ang nakatanggap ng kanilang ayuda.

Sinabi ni Año na 12 local government units na sa National Capital Region ang tapos na sa payout mula nang sinimulan ito noong Agosto 11.

Samantala, ang Laguna at Bataan, na inilaay din sa ilalim ng ECQ, ay 81.64 percent at 32.37 percent nang tapos sa pamamahagi ng kanilang ayuda.

-- Advertisement --

Nauna nang naglabas ang Department of Budget and Management ng P10.894 billion para sa ayuda sa mga apektadong indibidwal sa NCR.

Kabuuang P3.693 billion naman na karagdagang pondo ang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa cash assistance program sa Metro Manila, Bataan, at Laguna.