-- Advertisements --
image 33

Umabot na sa halos 7,000 ang bilang ng mga kabahayan na nitalang napinsala sa pananalasa ng bagyong Goring at ang mga pag-ulang dulot ng Habagat sa malaking bahagi ng bansa.

Batay sa datus ng Department of Social Welfare and Development, mayroong 6,500 na kabahayan ang nakapagtala ng partial damage habang umabot naman sa 135 ang bilang ng mga totally damaged.

Ang mga naturang kabahayan ay naitala mula sa ibat ibang mga rehiyon sa bansa, katulad ng R2, CAR, R06, at iba pa.

Patuloy naman ang ginagawang validation ng mga field officers ng naturang kagawaran upang makita ang kalagayan ng mga biktima at matukoy ang kanilang mga pangangailangan, lalo na yaong mga nasiraan ng bahay.

Maalalang bago ang panibagong pananalasa ng bagyong Goring ay naitala na ang libo-libong mga nasirang bahay nang unang manalasa ang Supertyphoon Egay sa malaking bahagi ng Luzon.

Naunang nagbigay noon ang pamahalaan ng mga tulong, upang maayos ang mga nasirang kabahayan, sa pamamagitan ng National Housing Authority, Department of Human Settlement and Urban Development, at iba pa.