-- Advertisements --
covid 19

Pumalo sa halos 700 ang naitalang bagong kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ayon sa Department of Health (DoH), nasa kabuuang 695 ang bagong kaso ng COVID-19 kahapon.

Base sa pinakahuling data mula sa DoH, sa ngayon ay pumalo na sa 4,027,469 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng nakamamatay na virus.

Ang active cases naman ay bumaba sa 17,550.

Sa ngayon, ang total number ng mga recoveries ay pumalo na rin sa 3,945,419 habang ang death toll ay umakyat na sa 64,500.

Samantala, sa nakalipas na dalawang linggo, ang Metro Manila pa rin ang nananatiling may pinakamataas na kaso ng naturang virus na 3,402.

Sinundan ito ng Calabarzon na may 1,981; Western Visayas, 1,472; Central Luzon, 1,132 at Central Visayas, 1,096.