Inalerto ng Department of Environment and National Resources – Mines and Geosciences Bureau (DENR-MGB) ang libu-libong mga barangay na posibleng maharap sa mga serye ng landslide o pagguho ng lupa ngayong linggo.
Ito ay batay sa pinakabagong 72-hour rainfall forecast ng state weather bureau, gamit ang Global Spectral Model (GSM) at Weather Research and Forecasting (WRF) na rainfall threshold.
Apektado ang mga naturang barangay sa serye ng pag-ulan na inaasahang dulot ng bagyong Kiyapo na nagpapalakas din sa hanging amihan.
Sa bagong forecast, 15 rehiyon na binubuo ng kabuuang 6,947 barangays ang apektado na kinabibilangan ng mga sumusunod:
Region1: 1,142
Region2: 579
CAR: 524
Region 4A: 19
Region 4B: 145
Region 6: 223
Region 9: 70
Region 13: 8
BARMM: 181
NIR: 88
NCR: 1,359
Region 7: 861
Region 10: 857
Region 11: 269
Region 12: 622
Hinihikayat ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na manatiling alerto at handa. Maaaring madagdagan pa ang naturang bilang habang nagpapatuloy ang pag-ulan na dulot ng bagyo at ng hanging amihan.
















