-- Advertisements --
Untitled 3

May kabuuang 59 na Filipino sa Lebanon ang humiling ng repatriation matapos ang bansa ay isailalim sa Alert Level 3 o voluntary repatriation.

Ito ay dahil sa tumataas na tensyon sa pagitan ng Israel at Hezbollah militants.

Sinabi ni Philippine Ambassador to Lebanon Raymond Balatbat na natanggap nila ang 59 na aplikasyon para sa repatriation at inaasahan ang higit pa na darating na bilang habang umuusad ang mga araw.

Kung matatandaan, noong Sabado nang itaas ng Department of Foreign Affairs ang Alert Level 3 sa Lebanon.

Sa 59 na Pilipino na nagpahayag ng intensyon na bumalik sa Pilipinas, sinabi ng ambassador na tatlo lamang ang nakabase sa southern Lebanon kung saan ang isa pang tensyon ay sumiklab sa hangganan ng Israel.

Karamihan sa mga aplikante, aniya, ay mula sa kabisera ng Beirut at Mount Lebanon area.

Una na rito, nasa 17,500 Pilipino ang naninirahan sa Lebanon.