-- Advertisements --
Screenshot 2022 09 25 22 28 36

Nasa 59 na pamilya o 204 na indibidwal ang isinailalim sa preemptive evacuation sa mga bayan ng Dvilacan Dinapigue at Ramon sa Isabela; mga bayan ng Maddela, Saguday at Aglipay sa Quirino at sa Aritao, Nueva Vizcaya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Michael Conag , tagapagsalita ng OCD region 2 na ang mga inilakas na mga mamamayan ay ang mga nakatira sa mga mabababa at mga binabahang lugar.

Sinabi pa ni Ginoong Conag na maaring madagdagan pa ang bilang ng mga kataong ilikas dahil sa inaasahang pananalasa ng bagyong karding hanggang bukas ng umaga.

Bagamat hindi dito sa rehiyon dos tumama ang mata ng bagyong Karding ay nagdudulot naman ng mga malalakas na pag-ulan at malakas na hangin.

Sa bayan anya ng Dinapgue, Isabela ay nagkaroon na ng pagkawala ng daloy ng kuryente ngunit mayroon naman anyang back-up ang pamahalaang bayan sa kanilang linya ng telekomunikasyon.

Batay naman sa ulat ng mga LGUs sa region 2 lahat ng mga lansangan at overflow birdges ay maaring daanan ng mga motorista hanggang ngayong gabi.