-- Advertisements --

Umakyat na sa 5,693 residente o katumbas sa mahigit 1,500 na pamilya ang inilikas sa mga bayan ng Agoncillo at Laurel sa Batangas kasunod nang pag-alburuto ng Taal Volcano noong Sabado.

Sinabi ng head ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office na si Lito Castro na 1,541 ang kabuuang bilang ng mga pamilya na kasalukuyang nananatili sa evacuation center.

Ang mga ito ay pawang mga residente ng mga lugar na pasok sa 7-kilometer danger zone malapit sa Taal Volcano.

Bilang nariyan pa rin ang banta ng COVID-19 pandemic, sinabi ni Castro na mahigpit na ipinatutupad ang health protocols.

Kaya naman sa mga evacuation center, nasa dalawang pamilya lamang ang maaring magsama sa isang silid.